Sunday, September 16, 2007

Para Sa Mga Pinoy

Hay nako ang mga Pinoy talaga. Hindi parin pahuhuli sa uso... Classic man o Modern papasukin, bastat sa tingin ay marami ang tumatangkilik. Hala sige, birada! Gaya nitong mga nakaraang taon lang, dahan dahan na namang sinisimulang tikman ng mga Pinoy ang mundo ng pagboblogging. At sa kasalukuyan, hindi na mahirap makahanap ng kapwa Pinoy na may sariling blog at may sariling hirit sa pagpapatakbo ng kani-kanilang mga blog. Ang ganda ring pakinggan na may ilan ilan ding Pinoy bloggers na naging successful talaga sa blogging. Ngunit hindi rin natin maipagkakait na marami parin sa ating mga kapwa Pinoy bloggers ang nahihirapan sa pagpapatakbo ng kanilang blog/s. Marami parin sa atin ang nangangailangan ng tulong.

Dahil dito, batid natin ang pangangailangang dapat masolusyunan. Dahil d'yan, naisilang ang Pinoy Bloggers Tambayan. Ang PBT (hindi PBB :p), well the title speaks for itself, tambayan ng lahat ng Pinoy na may blog/s, saang sulok ng mundo man nakatira. This is solely made upang magsama-sama, magkakilala, at upang magkaisa na tayong mga Pinoy bloggers. Dito natin pag-uusapan kung ano ang mas makabubuti at ano ang magagawa natin para mapaunlad ng maigi ang ating pagboblogging. Most, or almost all of the posts that will be made shall be contributed by you, at lahat ng mga Pinoy bloggers.

Kailangan na nating magkaisa at ipakita sa kanila (hindi Pilipino) na tayo ay may kaya hindi lang sa pagboboxing kundi pati na rin sa pagboblogging!!
Mabuhay ang Pilipinas!! (MABUHAY!!!) Mabuhay ang mga Pinoy!! (MABUHAY!!!) Mabuhay ang mga Pinoy Bloggers!! (MABUHAY!!!)

-Please spread the news sa lahat ng mga Pinoy bloggers... Maraming salamat.

******* Simulan ang pagkopya dito *******

Instructions:
1. Copy and add your blog link just after the last one.
2. Visit here and kindly leave your blog address, title, and include what category (Personal blog, Kasiyahan, Kumikitang Kabuhayan).
3. Spread this to all Filipino bloggers, and visit PBT often. :D


******* Taposin ang pagkopya dito *******